Si Jesus Ba Ang Pinakadakilang Makasalanan Sa Mundo?
---ni Gary Amirault
translated by Agripino D. Polistico
Ang kahulugan ng "paggawa ng kasalanan" mula sa Strong's Concordance:
Ang Griegong "hamartano"---"Ang paglihis sa marka (kaya hindi nabahaginan sa premyo), "paggawa ng mali ." (numero 264)
Ang Hebreo na nagmula sa salitang-ugat na "chata"---"paglihis." (numero 2398)
Ano ang naging layunin ng kamatayan at pagkabuhay-muli ni Jesus?
---Hindi pinadala ng Dios ang Kanyang anak sa lupa upang hatulan ito ng sumpa, kundi iligtas ang mundo sa pamamagitan Niya. (Juan 3:17)
---Siya ay bumaba mula sa langit at nagbigay buhay sa mundo. (Juan 6:33)
---Ang Anak ng tao ay hindi pumarito upang puksain ang buhay ng mga tao kundi iligtas ito. (Lucas 9:56)
---At Ako, kapag naitaas na mula sa lupa, hahatakin ko ang lahat ng tao patungo sa akin. (Juan 12:32)
---Binigya mo Siya ng kapamahalaan ibabaw sa lahat ng laman, upang kailangang bibigyan Niya ng buhay na walang hanggan ang marami ayon sa bilang na binigay Mo sa Kanya. (Juan 17:2)
---Minahal ng Ama ang Anak at binigay ng Ama ang lahat ng bagay sa Kanyang mga kamay. (Juan 3:35)
---Ang Dios, na sa ibat-ibang panahon at paraan nagsalita sa panahong nakalipas sa mga Ama sa pamamagitan ng mga propeta, ay nagsalita nitong huling mga araw sa pamamagitan ng Kanyang Anak, at ito ay Kanyang itinalaga na maging tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na Siya rin ang ginamit Niya sa paglalang ng mga mundo. (Hebreo 1:1,2)
Ang Kanyang layunin ay napakalinaw: Pagkasunduin muli ang lahat ng mga bagay sa Kanyang Ama. (Colosas 1:16-20)
Ayon sa Kasulatan, si Jesu-Kristo, na Anak ng Buhay na Dios, na naglikha ng lahat ng bagay, na pinagkasundo ang lahat ng bagay, ay Siyang tagapagmana ng lahat ng bagay, magliligtas ng lahat ng tao, ang Kanyang biyaya ay dumating sa lahat ng tao, inalis Niya ang kasalanan ng sanlibutan, binigay Niya ang kanyang katawan para sa buhay ng mundo, ang Kanyang regalo ay hindi pawawalang bisa at hindi babawiin kasama na rito ang buhay, Siya ay nagpunta rito upang alisin ang kasalanan, nangangaral sa mga espiritu sa bilangguan at naghawak ng mga susi ng kamatayan at libingan, hindi Siya nagbabago, Siya ang Panginoon ng mga buhay at patay, pupuksain Niya ang lahat na kaaway ng Dios kasama na ang kasalanan at kamatayan bilang pinakahuli, Siya ang bumuhay sa lahat ng mga bagay, Siya ang tumapos sa gawain na inatas ng Ama sa Kanya, Siya ang nagpapanauli ng lahat ng bagay, binigay ang Kanyang sarili bilang pantubos ng lahat, inalis na NIya ang sumpa at sinabi Niya na Siya ay naparito upang gawin ang kalooban at gawain ng Ama na Siyang naglalayon na maligtas ang lahat ng tao at makaalam ng katotohanan upang ang Dios, ang Ama ay maging lahat sa lahat! Puwede ko pang pahahabain ang parapong ito ngunit sigurado ako na naipakita ko na ang punto. Sinabi ni Jesus, tinapos na Niya ang gawain at tinupad ang Kanyang layunin na siya ring layunin ng Ama...na maging Ang Tagapagligtas ng buong mundo...Ipagkakasundo ang bawat isa pabalik sa Kanyang Ama at ating Ama!
Ayon sa maraming Kristiyano, bilyun-bilyong tao ang paroroon sa isang dako na tinatawag na Impiyerno upang pahirapan ng Dios nang walang hanggan. Pakisuyong pakinggan itong mabuti. Kapag mawalan si Jesus ng kahit isa man lamang, siya ay magiging ang siyang pinaka-makasalanan sa buong mundo. Bakit kamo? Dahil kung magkagayon, hindi Niya matamaan ang marka...na yun ay ang ipagkasundo ang lahat ng bagay pabalik sa Ama. "Dahil sa pamamagitan Niya ang lahat ng bagay ay nalikha, yung nasa langit at nasa lupa, nakikita at di-nakikita, maging ito man ay mga luklukan o pamunuan o kapangyarihan. Ang lahat ng bagay ay nilikha sa pamamagitan Niya at para sa Kanya, at Siya ay nauna pa sa ibang mga bagay at sa Kanya ang lahat ng mga bagay ay nakapaloob. At Siya ang ulo ng katawan, ang iglesia, na Siya ang pasimula, ang panganay mula sa mga patay, upang sa lahat ng bagay Siya ay magtatamo ng kadakilaan o pagiging pinakamataas. Dahil nagalak ang Ama sa Kanya, ang buong kabuuan ng pagka-Dios ay nananahan sa Kanya at sa pamamagitan Niya ipagkakasundo ang mga bagay sa Kanya (Ama), maging ito ay mga bagay sa lupa o sa langit, pagkatapos makapagsasagawa ng kapayapaan sa pamamagitan ng dugo ng Kanyang krus." (Col. 1:16-20) Pakisuyong intindihin na kapag tinalakay ng kasulatan ang tungkol sa "mga bagay na ipinagkakasundo sa Dios", hindi Niya rito tinutukoy ang mga bato o punong kahoy. Ang mga pinalayas palayo sa presensiya ng Dios sa halaman ng Eden ay ang mga angkan ni Adan, hindi ba? Kailangan na tayo ay maibalik, maipagkasundo, matubos. Napakaraming paglilinaw sa Kasulatan, na ang Kanyang layunin, tunguhin, kalooban, at gawain ay maibalik ang lahat.
Ang mga kasulatang ito ay naglilinaw ng napakarami kung ano ang layunin, ang marka, ang target na pinupuntirya ni Jesus nang Siya'y pumaroon sa kahoy ng Pagdurusa at parusa. Ang karamihan sa mga iglesiya o relihiyon ay nagsasabi na maaaring hindi magliligtas si Jesus (Calvinist) o di kaya'y, hindi kaya ni Jesus (Arminians) dahil kay Satanas at ang kapangyarihan ng "libreng pagpapasiya." Ang karamihan sa mga relihiyon ay nagsasabi na nagkasala si Jesus, na ang ibig sabihin, di Niya natamaan ang marka. Sa lahat ng panahon magmula noon pa man ay laging may kokonting bilang sa kasaysayan ng iglesia, (na dati-rati, bago ang madilim na mga panahon ay mas nakararami ang mga ito) ay naniniwala na pinahahayag ng Kasulatan na si Jesus ay ang tunay at totoong Tagapagligtas ng Mundo. Ang kakaunting bilang na ito ay mahigpit na nagbibigay atensiyon sa Kasulatan at napapansin ang mga bagay gaya ng mga katotohanan tungkol Kay Pablo, bilang apostol ng mga bansa, na siya ay hinding-hindi nagtuturo na ang kaligtasan ay nangangahulugang pagpapalaya sa atin mula sa impiyerno. Ang totoo, hinding-hindi niya ginamit ang salitang "Hell"! Dapat isipin natin ito. Buksan mo ang konkordansiya at ikaw mismo ay makapagpapatunay nito.
Habang ang mga salin ng Biblia ay papalapit na sa orihinal na mga wika, ang ating paganong konsepto ng "impiyerno" ay mawawala. Hinding-hindi itinuro ni Apostol Pablo ninoman ang isang dako ng walang hanggang parusa. Kaya nga sinabi niya sa 1 Timoteo 4:9-11, "Ito ay tapat na mga pananalita na katanggap-tanggap ng lahat. Dahil sa bagay na ito pare-pareho tayong nagti-tiyaga at nagsisikap at nagdurusa ng mga pang-alipusta, dahil nagtitiwala tayo sa Buhay na Dios, na Siyang Tagapagligtas ng lahat ng tao, lalo na sa mga naniniwala." Sinasabi rin niya, "Ang pag-ibig ay hindi mabibigo!" (1 Corinto 13:8) Sinasabi sa atin ni Juan na, "Ang Dios ay pag-ibig." (1 Juan 4"8) Kung gayon, ang Dios ay hinding-hindi mabibigo kailanman! Talagang matatamaan Niya ang marka! Tayo sa ating maiiksing paningin ay maaaring ihalintulad natin Siya sa ating sariling imahe, na ang ibig sabihin, isa ring makasalanan. Ngunit Siya ay maitaas. Sa panahong mangyari ito, kaya mo bang mapahiya? Hindi pa huli na "mag-aral para maipakita ang sarili bilang sinang-ayunan" at mapatunayan mo ito sa iyong sarili ang maluwalhating katotohanan na ang kaligtasan ng mundo ay hindi nakadepende sa isang mapagpaimbabaw, tamad at makasarili na relihiyon. Hindi, dahil ang mundo, ang kabuuan nito, ay nasa mas mabubuting mga kamay...kamay ni Jesu-Kristo, ang Tagapagligtas ng buong sangkatauhan, na Siyang nagbigay ng Kanyang sarili bilang pantubos ng lahat, kasama ka, alam mo man ito hindi. Hingiin mo sa Espiritu Santo , ang Espiritu ng Katothanan, Na Siyang mag-akay sa iyo sa buong katotohanan upang ihahayag sa iyo ang buong kahulugan ng dalawang salita na naghahayag na natamaan ni Jesus ang marka na Siyang Kanyang pinupuntirya. Mahalaga na gawin mo ito. May marka rin na nakalagay sa harap mo. Ito ang pagbibigay mo sa Dios ng buong kaluwalhatian. Huwag kang lumihis. Sabihin mo na ang Dios ay hindi nabibigo dahil natamaan Niya ang marka.