ANG TUNAY NA MABUTING BALITA

(The Real Good News)

by Agripino D. Polistico

Ano nga ba ang tynay na mabuting balita? Aang tunay na Mabuting Balita ay ang tungkol sa naging desisyon ng Dios para sa kahihinatnan ng LAHAT NG TAO. Ang desisyon ng Dios para sa lahat ng tao ay ito: "KALOOBAN ng Dios "WILL" sa English King James Bible) na iligtas ang LAHAT NG TAO at makakaalam ng katotohanan." (1Tim. 2:3,4) Ano ang paraan ng Dios upang matupad ang Kanyang kalooban na iligtas ang LAHAT NG TAO? Ito ay sa pamamagitan ng pagbuwis ni Jesus ng Kanyang buhay sa krus sa kalbaryo, upang tubusin o bilhin tayong LAHAT mula sa walang hanggang kamatayan. (1Tim. 2:6; Isaias 53:4-6).

Base sa mga kasuylatang ito, hindi totoong kokonti lamang ang bibigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan. TAYONG LAHAT, mabuti man o masama, Kristiyano man o Muslim o Buddhist ay bibigyan ng Dios ng buhay na walang hanggan. Walang pinipini ang Dios. Si Kristo ay namatay PARA SA LAHAT, para sa buong mundo. (Hebreo 2:9; 1 Juan 2:2)

Ang kaligtasan ay GAWA NG DIOS, hindi ng tao. Kaya, pagsapit ng kahuli-hulihang yugto ng panahon ("dispensation of the fullness of time"), TAYONG LAHAT ay bubuhayin mula sa libingan at magaganap ang GRAND REUNION NG LAHAT NG TAO. (1 Corinto 15:21-28; Efeso 1:9, 10). Inaanyayahan namin kayong magtanong pa ng ibang katanungan hinggil dito. Kami ay nagtitipon sa isang maliit na bahay sa Bicutan, Metro Manila Philippines. Ito ang aming tinatawag ng House Church.